Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MSME business sa new normal

0 141

Masigla ang naging kuwentuhan natin kay Director Marievic Bonoan ng DTI-Bureau of Domestic Trade Promotion, ang ahensiya na ang pangunahing tungkulin ay palaguin ang negosyo ng mga MSME (micro, small and medium entrepreneurs).

Naging mabigat ang hamon sa kanilang ahensiya sa umpisa ng ECQ noong Marso. Nang kanselahin ang national trade fair noong Marso dahil sa emergency lockdown, ilang toneladang agricultural products mula sa mga rehiyon ang na-stranded sa Manila. Sa kabila ng mga health protocols, nagawang ibenta ng mga staff ng DTI-DBTP sa kanilang parking lot sa Makati, hanggang sa maubos ang mga eto.

Ngunit simula lang iyon. Habang tumatagal ang quarantine, lalong tumindi ang pangangailangan ng mga MSME na makapagtinda. Kaya mula sa parking lot, isinulong ng DTI ang “Bagsakan Weekend Fair” sa mga mall sa Metro Manila at paligid. Kahit hindi kasing garbo ng mga national trade fair, nagbigay naman ng oportunidad para muling makapagtinda. Sa kabuuan, may 29 bagsakan fair ang nagawa ng ahensiya noong 2020.

Bago matapos ang 2020, binuhay ng ahensiya ang NTF Digital Mall, isang e-commerce platform. Tampok sa digital mall ang 223 digital stores kung saan maaaring bumili ng mga produktong gifts & souvenirs, home & living, fashion & accessories, food & beverages, and health & beauty gamit ang computer o tablet. Maari etong bisitahin sa website na https://ntfdigimall.linker.store/.

Pagpasok ng 2021, magbubukas ang kauna-unahang Virtual National Trade Fair (VNTF) sa ika-27 ng Enero hanggang ikalawa ng Pebrero sa website na virtualnationaltradefair.dti.gov.ph. Sa pamamagitan ng VNTF, makakasalamuha ng mga piling MSME ang mga malalaking buyers mula sa loob at labas ng bansa tulad ng mga hotels, restaurants, supermarket chains, corporate merchandisers at exporters. Tampos dito ang 114 exhibitors mula sa iba-ibang rehiyon.

Sa unang 4 na araw ng VNTF, makaka-live chat, video call o virtual meeting ng mga MSME ang mga potential buyers, dahil ang mga may-ari ay naka-standby sa kanilang virtual booth. Sa computer o anumang digital na gadget, makikita ang booth at mga laman nito. Kung mag-chat ang bisita, agad namang sasagot ang may-ari ng “tindahan”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Siyempre, malaking paghahanda at pagsasanay ang ginawa ng BDTP sa mga participants para siguruhing tagumpay ang proyekto. Dahil papasok na sila sa bagong mundo ng pangangalakal – ang virtual reality.

Mapalad na kasama sa VNTF si Ms Lynn Sheryl Reasol ng Binuhat Arts and Crafts mula sa Dinagat Island, Mindanao. Gumagawa sila ng mga bag at basket gawa sa synthetic rattan.

Bumagsak ang benta ni Lynn sa umpisa ng pandemic. Nagtiyaga siyang gamitin ang Facebook para makakuha ng benta. Hindi naglaon, naitayo niya ang online store niya sa tulong ng mga training mula sa DTI-BDTP.

“I am happy to have a digital showroom where I can post all my products, and connect with my customers,” sabi ni Lynn.

“An exporter discovered my online store and made a bulk order for my products. I also got inquiries from Italy, Sri Lanka, and Singapore,” dagdag pa niya. Umaasa si Lynn na makakatisod ng mga bagong customer ang Binuhat Arts and Crafts sa darating na VNTF.

Bukas sa lahat ang VNTF at walang bayad ang pagpasok sa website na virtualnationaltradefair.dti.gov.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.