Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MSU pasalamat kay Ramirez

0 132

Lubos ang pasasalamat ni Mindanao State University President Dr. Habib Macaayong sa Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman William Ramirez dahil sa patuloy na pagtulong sa MSU, ngayon nama’y sa pagpapakumpuni ng university’s swimming pool, na bahagi ng national government rehabilitation program sa Marawi City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are forever grateful for this assistance from the PSC. MSU expresses full support of to the sports development programs of the PSC,” lahad Huwebes ni Macaayong.

Sinuri na nina PSC Engr. Eduardo Clariza at Arch. Noel Elnar ang MSU Marawi campus sa linggong ito at mga nagpahayag na kayang tapusin ang pagkukumpuni sa swimming pool sa kasalukuyang taon. Pinagdausan ito ng ilang kompetisyon ng National UAAP noong dekada 80 at iba pang mga panrehiyong paligsahan. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.