Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Bulusan nagpakita ng senyales ng pagputok – Phivolcs

0 322

May mga senyales umano ng posibilidad na pagsabog ng Mt. Bulusan sa Sorsogon ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, maihahalintulad ang kondisyon ng Mt. Bulusan sa buntis na babaeng naghihintay na manganak. Mahigpit nang minomonitor ang mga posibleng magtulak sa pagsabog nito. Kabilang dito ang serye ng pagyanig at pamamaga sa bulkan na maaaring magresulta sa phreatic o steam eruption nang walang babala.

Simula noong July 6 nakapagtala na ng kabuoang 315 volcanic earthquakes. Inabisuhan na ang mga residente malapit sa bulkan na maging alerto at umiwas sa tinalagang 4 kilometrong Permanent Danger Zone at 2 km extended danger zone.

Leave A Reply

Your email address will not be published.