Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Kanlaon 11 beses nag-alboroto

0 54

Nakapagtala ng 11 lindol sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 467 tonelada kada araw noong Enero 31.

“These parameters may indicate hydrothermal or magmatic processes occuring deep beneath the edifice,” ayon pa sa 8am bulletin ng Phivocs kahapon.

SM food to go Banner Ad

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa `abnormal condition’ pa rin ito at pumasok na sa `period of unrest.’

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga lokal na gobyerno at publiko na mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius na permanent danger zone (PDZ) ng nasabing bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.