Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Kanlaon 26 beses nagparamdam

0 62

Dalawampu’t anim beses na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula Linggo hanggang kahapon sa Bulkang Kanlaon.

Bukod dito, nagpakawala ang bulkan ng katamtamang puting usok na umabot sa 500 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 1,130 tonelada kada araw noong Pebrero 13.

“These parameters may indicate hydrothermal, tectonic, or deep-seated magmatic processes occuring deep beneath the edifice,” ayon pa bulletin kahapon ng umaga ng Phivolcs.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.