Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Kanlaon 26 beses yumanig

0 163

Sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala ang Mt Kanlaon ng 26 volcanic earthquakes habang 10 naman ang nairekord sa Mt Pinatubo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs maliban sa mga naitatalang pagyanig sa dalawang bulkan ay naobserbahan din ang pamamaga nito partikular sa iba at gitnang bahagi ng bulkan na indikasyon na may mga aktibidad sa loob.

“These parameters may indicate hydrothermal, tectonic, or deep-seated magmatic processes occurring deep beneath the edifice,” paliwanag ng Phivolcs.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon ay wala pa umanong basehan para itaas ang alerto.

Ayon sa Phivolcs mananatili sa Alert Level ang dalawang bulkan na nangangahulugang mayroong “abnormal condition and period of unrest”.

Nagbabala ang ahensya sa publiko na sundin ang `no entry’ advisory sa four-kilometer radius permanent danger zone. Ipinagbabawal din ang pagdaan ng mga eroplano malapit sa summit. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.