Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Kanlaon 4 beses nilindol

0 129

Apat ang naganap na lindol mula sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Martes hanggang kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, mahinang nagpakawala rin ang bulkan ng puting steam-laden plume na umabot sa 200 metro ang taas.

SM food to go Banner Ad

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 336 tonelada kada araw noong Martes, Nobyembre 24.

“These parameters may indicate hydrothermal or magmatic processes occuring beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa 8 a.m. bulletin nito, Nobyembre 25.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan itong kalagayan at pumasok sa “period of unrest.” (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.