Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Kanlaon nagparamdam, 6 beses niyanig

0 234

Matapos ang nararanasang serye ng volcanic earthquake nitong nakalipas na araw, nagpapamalas na rin ng hydrothermal o magmatic activity ang Mt Kanlaon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, 24 oras nilang mino-monitor ang magmatic activity sa loob ng bulkan subalit sa ngayon ay mananatili pa rin na nakataas ang Alert Level 1.

Sa pinakahuling bulletin ng Phivolcs sa Mt Kanlaon sinabi nito na naglalabas pa rin ng usok ang bulkan na may taas na 200 meters, ang asufre level nito ay nasa 237 tonnes at nakapagtala ng 6 na lindol sa nakalipas na 24 oras.

Sa isinagawang GPS measurement ng Phivolcs ay makikita umano ang patuloy na pamamaga ng bulkan na indikasyon ng magmatic activity sa loob. Hindi naman masabi pa ng Phivolcs kung kailan ito puputok kaya ngayon pa lang ay pinaghahanda na nila ang lokal na pamahalaan at mga residente sa posibilidad ng evacuation.

“Alert Level 1 means that it is at an abnormal condition and has entered a period of unrest.Local government units around the area and the public are strongly reminded that entry into the 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) must be strictly prohibited due to the further possibilities of sudden and hazardous steam-driven or phreatic eruptions,” nakasaad sa advisory ng Phivolcs.

Mahigpit din na ipinagbabawal ang paglipat ng mga eroplano malapit sa summit ng Mt Kanlaon na matatagpuansa Negros Island. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.