Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mt. Pinatubo muling nagparamdam

0 215

Muling nagtala ng 13 volcanic earthquakes ang Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Batay ito sa 8:00am bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kahapon.

Paalala ng ahensiya, nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan.

Saad ng Phivolcs, “Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari.”

“Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang plano laban sa sakuna,” dagdag nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.