Abante Tonite Interactive

Mt. Talinis reforestration isusulong

239

Tiniyak ng Energy Development Corporation na ipagpapatuloy nila ang isinasagawang reforestation sa Mt. Talinis sa Negros Oriental bilang bahagi ng malawakang greening prog­ram sa Negros Island.

Ayon kay Norreen Bautista, head ng EDC Corporate Social Responsibility sa Negros Island at Mt. Apo sa Mindanao na noong nakalipas na taon ang EDC personnel ay nagtanim ng katutubong puno sa Mt.Talinis at ito ay ipagpapatuloy nila nga­yong taon.

Ang Mt. Talinis ay kilala bilang pinakamataas na bundok sa Cuernos de Negros at isa sa mayroong nalalabing matatandang kagubatan sa Negros Oriental.

Nalaman na may 30 EDC employee ang nagbo­luntaryo na umakyat sa Mt. Talinis para magtanim ng may 100 native trees.

Sinabi ni Atty. Allan V. Barcena, EDC assistant vice president at head ng Corporate Social Responsibility-Public Relations na katuwang nila sa pagtata­nim ang Valencia Eco-Guide Association at ibang partner groups.
Ayon kay Bautista ang kagubatan ay makakatulong sa geothermal energy na ma-recharge ang kanilang reservoir.

Sinabi ng EDC na mini­mintina nila ang mga kagubatan sa Negros Oriental kung saan dito kinukuha ang pangangailangan ng geothermal facilities. (Juliet de Loza-Cudia)