Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MTRCB lugi ng 40% sa pandemya, ABS-CBN shutdown

0 111

Mahigit sa 40 porsiyento ang nawala sa kita ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa COVID-19 pandemic kasabay na rin ng pagsasara ng ABS-CBN Corporation.

Sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng MTRCB, sinabi Executive Director Anna Marie Nemenzo, na kokonti na umano ang nagpapa-review ng pelikula at maging ang mga programa mula sa iba pang TV networks.

Sabi ni Nemenzo, 149 pelikula pa lang ang natanggap nila sa taong ito kung saan 67 ang local at 82 naman ay foreign films.

Noong 2019, nasa P136 milyon ang kita ng MTRCB pero ngayong 2020, umabot lamang sa P50 milyon ang revenue nito.

SM food to go Banner Ad

Tinanong din ni Senador Grace Poe si MTRCB chair Rachel Arenas kung magkano ang nawala sa kita ng ahensiya sapul nang magsara ang ABS-CBN.

“It would be about 40 percent,” sagot ni Arenas sa tanong ni Poe.

Nagsara ang ABS-CBN matapos mag-expire ang prangkisa nito noong Mayo 4 at ibinasura ng kamara ang kanilang hiling na bigyan sila ng panibagong 25 taong prangkisa.

Sinabi pa ni Arenas, labis ding napaapekto sa kanilang ktia ang pagtama ng pandemya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.