Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MTRCB makinig sa Kongreso – Palasyo

0 57

Pinayuhan ng Malacañang ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na makinig sa pahayag ng mga mambabatas sa Kongreso na ibasura ang plano ng ahensya na i-regulate ang mga online streaming service katulad ng Netflix.

Ito’y matapos na magbabala ang liderato ng Kamara na kanilang bubusisiin ang panukalang budget ng MTRCB kasunod ng naturang kontrobersiya.

“Nirerespeto namin ang desisyon ni Chairman Rachel Arenas at ng miyembro ng MTRCB. Ang aking suggestion lang po, sa panahon ng budget, Ma’am Rachel, mukhang mahirap balewalain ang sinasabi ng Kongreso, lalung-lalo na kung ang nagsalita na po ay Speaker of House,” sabi ni Presidential Spoksperson Harry Roque nitong Lunes. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.