Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MTRCB: Sinehan sa probinsya bubuksan sa Disyembre

0 227

Posible umanong magbukas na sa Disyembre ang mga sinihan sa mga probinsya, ayon kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Rachel Arenas.

Sa Senate hearing para sa proposed budget ng ahensya sa 2021, sinabi ni Arenal na inaasahang sa katapusan ng taon maisasagawa ang pagbuhay sa industriya ng pelikula, na isa sa mga pinakaapektuhan ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Arenas, “Ngayon po naguumpisa na pong magbukas, may dalawa pong drive-in cinemas ang SM. So unti-unti nang nagbubukas yung mga cinemas and hopefully by December, maguumpisang magbukas yung mga cinemas, according to the provinces.”

Nakikipagtulungan na rin umano ang MTRCB sa iba pang ahensya upang makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhan sa industriya ng pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.