Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MTRCB walang K makialam sa Netflix

0 97

Kung sino man ang may pakana na panalong payanig ang white sands ang dapat ilagay sa Manila Bay, good luck na lang sa Imeldlific project na iyan. Halatang-halata na talagang pinag-aralan kung paano gagastusin ang kaban ng bayan.

Sooner than soon, pag dumating na naman ang tag-ulan at inuluwa ng bay ang mga basura sa kaibuturan nito, lalamunin ang artipisyal na pampang at ang perang ginastos para sa pekeng kagandahan iyan, sayang na sayang talaga.

Ang dapat na hindi na kailangan pang kabisaduhin, hinukay muli ang bay at tiniyak na mauubos ang mga basurang nakaibak rito at siguradahing hindi na madadagdagan pa.

Sa true lang, mas long lasting at mas mas may tunay na environmental impact kung nag-bakawan planting sa mga lugar nito na pwedeng mabuhay ang mga nasabing puno. Mas maraming bakawan, ibig sabihin mabubuhay ang marine life sa bay at in the long run, pwedeng mag-introduce ng sea grass planting rito para talagang mabuhay ang bay. Ang artificial sanding of the bay, galawang pang-best and the brightest, hindi ba naman.

Para ring mga taga-MTRCB, alam na alam naman nila kung ano lang nasa kanilang hurisdiksyon – pelikula, patalastas at palabas sa telebisyon. Wala silang karapatan na pakialaman ang mga ipinapalabas sa digital platforms at universe kaya saan galing ang kabibuhan na dapat eh silipin nila ang mga pinapalabas sa NETFLIX at may eme pa silang dapat ang mga ipinapalabas dito ay naayon sa Filipino contemporary morality standards.

Juice colored! Kay tatalino naman ng mga balakanging pinaupo sa tanggapan na iyan. You so freaking deserve the talak mula sa tabachingching princess Angelica Panganiban.

Truth hurts talaga, hindi ba naman? Ano pa nga kaya ang nakatagong subtext sa pagkilos na ito ng MTRCB? Bakit ba kasi hindi pa burahin sa sa ibabaw ng earth kung wala naman palang malay ang mga nandiyan kung ano lang ang pwede nilang gawin at kung hanggang saan.

@@@

KC Millennial Papaya Queen

May dalawang larawan sa Instagram si KC Concepcion na talaga namang tawag pansin. Bakit kaniyo? Kasi naman, ang kanyang mga papaya, talagang screaming for attention.

Sa kanyang “hello September” photo kung saan ang saplot niya ay naka-salmon pink swim suit habang naka-pang mermaid ose sa ibabaw ng kama, ang kanyang bosom at cleavage, hindi mo pwedeng isnabin. Talagang kapansin-pansin.

May isa pa ring kuha na ang suot naman niya ay aquamarine dress at yes oh yes, waging-wagi ang cleavage ni Kristina at ang mga homme, hindi maiwasang tumirik ang mga mata habang sa kanilang malilikot na imahinasyon, kung ano-ano na ang ginagawa nila .

Ang tanong, bet ba ni KC Comcecion na hiranging Millennial Papaya Queen?

Related Posts

@@@

Andi hayaang malaos

Kung humingi na si Andi Eigenmann ng paumanhin kay Albie Casino and it was done privately, lumang-luma na ang chikang ito kaya wag na pahabain pa.

Alam naman ni Andi na may karera, pagkatao at pagkalalaki siyang sinira dahil nga may wild flower choices and days siya. Ngayong gusto na niyang lagi sa may dagat at buntis na naman ito, hayaan na iyang mag-commune with nature at makipag-bonding sa mga butanding, dugong at lumba-lumba.

Hindi naman siya kawalan sa showbizlandia, hindi ba? Kaya sige Andi, surf the waves and be a la ocean deep for all we care.

**

Sikat na aktor susuntukin si BB

Kung ikaw ang sikat na aktor, is silence going to be your best defense and will you refuse to dignify the story of BB Gandanghari?

Hindi ba talaga kapatol-patol ang pang balitang kataka-taka at tunay na nakakahibang na payanig ni Rustom Padilla na kahit anong pilit itago ni Gandanghari eh laging comebacking with a vengeance?

May malisya ba ang paglalahad na ito ni BB? Gusto niya bang sirain, o ang mas tama yata ay wasakin ang imahe ng aktor? Gusto niya lang bang tumaas ang kanyang subscribers at viewers at ang pinakamainam nga namang pangrahuyo ay ang kwentong kanyang hinahabi?

Ito ang isyung dapat na hinaharap at sinasagot ng aktor para once and for all, matuldukan na ang chikang tanging bersyon lamang ni BB ang alam ng mga dalahira at katkatera.

Kung ayaw naman niyang magsalita, hamunin na lang niya si BB na magsuntukan sila sa isang boxing gym. Alam naman nating lahat na bakla pa si BB at jindi pa operada, at mas lalong hindi pa yata siya nagho-hormopne treatment dahil wala pang softness of a woman ang kanyang awra. Higit sa lahat, hindi pa namumukol ang kanyang dibdib, at hindi pa rin siya balakangin.

Frankly speaking, parang kulang nga sa collagen shots si BB kasi tuyot na tuyot ang kanyang itsura.

Kung magsusuntukan ang sikat na aktor at si Padilla, ay iyan ang main event showbizlandia na talaga namang kaabang-abang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.