Abante Tonite Interactive

Mukha ng rider nabiyak pagsalpok sa barrier

263

Kalunos-lunos ang sinapit ng lasing na rider matapos mabiyak ang kanyang mukha nang bumangga sa steel barrier ang minamanehong motorsiklo habang papauwi sa Barangay San Antonio, Sto. Tomas, Pangasinan noong Huwebes.

Dead on-the-spot ang biktimang si Ricardo Mon, 43, ng Rosales, Pangasinan.

Ayon kay Sto. Tomas Police Station officer-in-charge P/Capt. Freedie Lorenzo, papauwi na umano ang biktima sa kanilang bahay galing sa isang inuman nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Lorenzo na dahil lasing ang biktima ay nawalan ito ng kontrol sa manibela sanhi ng paghampas ng kanyang ulo sa steel barrier.

Dahil sa lakas ng impact at kawalan ng safety helmet, nabiyak ang mukha ni Mon at halos hindi na ito makilala. (Allan Bergonia)