Abante Tonite Interactive

Muling paghaharap

102

Halos tuloy na ang muling paghaharap ng mga kampeon sa international racing scene sa pinakamayamang Pegasus World Cup Invitational sa January 28 sa Gulfstream Park.

Pinaka-highlight nito ang huling paghaharap nina California Chrome at Arrogate sa $12-million race na paglalabanan sa distansiyang 1-1/8 miles (1,800 meters).

Bago magretiro ang 2014 Horse of the Year sa Taylor Made Farm na si California Chrome ay lalaban muna ito sa pinakamayamang karera sa mundo, ang Dubai World Cup na tinaasan ng $2-million ang $10-million papremyo.

Nakipagkontrata naman ang Juddmonte Farms, may-ari kay Arrogate, sa Coolmore Stud para makuha ang slot nito sa nasabing karera.

Huwag namang magkakaroon ng disgrasya sa dalawang kabayo, matutuloy na ang muling paghaharap ng archrivals sa pista kasama ang iba pang matitinding runners sa buong mundo.

Tinalo ni Arrogate ang sobrang na-llamadong California Chrome sa Breeders’ Cup kaya masyado ngayong nangangati ang connections ng huli na ma­kabawi sa paghaharap nila sa susunod na taon.

Isa pang nakasisiguro na ng isang slot ay si Keen Ice matapos magkaroon ng kontrata ang Donegal Racing kina Ronnie and Jerry Frankel na may hawak ng isang slot. Tinalo ni Keen Ice si California Ice sa nakaraang Travers Stakes.

Tonite – Wendys Inhouse Ad