Abante Tonite Interactive

Multa kay Ibaka, lampas P23M

233

Tulad ng inaasahan, suspendido ng tatlong laro si Toronto Raptors center/forward Serge Ibaka dahil sa pakikipag-away kay Marquese Chriss ng Cleveland Cavaliers noong Lunes.

Ejected ang dalawa matapos magpang-abot sa final second ng third quarter ng 125-101 win ng Cavs.

Bumagsak si Ibaka nang tangkaing sambutin ang court-to-court inbounds ng Raptors, hindi nagustuhan ang stare down at salitang binitawan ng Cleveland big man.

Sinakal ni Ibaka si Chriss, sinalya sa post, binigwasan ng suntok pero hindi tumama. Sumuntok din si Chriss.

Without pay ang binigay na suspension ng NBA kay Ibaka dahil sa pagpapasimula ng away, at dahil may una na siyang mga kaso ng pakikipag-away din sa mga laro. Aabot sa $447,000 (P23M) ang mawawala sa kanya.

Isang larong suspension lang ang binigay kay Chriss.

Pangatlong suspension na ito ni 6-foot-10, 235-pound Ibaka sapul noong 2017 dahil sa pananapak.