Abante Tonite Interactive

Multa sa pabayang tsuper, kapresyo lang ng gadget

556

Pinupuntirya ng isang kongresista ang pagrebisa sa ‘road safety laws’ dahil sa magaan lang ang parusang ikinarga sa lumang batas.

Target ni Abra Rep. Joseph Sto. Niño ‘JB’ Bernos na maibalan­dra ang mas mabigat na parusa at multa laban sa mga kaskasero, barubal at pabayang PUV (public utility vehicle) drivers at ope­rators.

Sa kasalukuyan ani­ya ay hindi sapat para madala at maturuan ng leksyon ang mga pasaway na tsuper at operator.

Binanggit ng solon na base sa Ci­vil Code of the Phi­lippines, ang multa sa kapabayaan­ ng driver ay nagkakahalaga lamang ng P3,000 habang ang civil indemnities ay nagkakahalaga ng P50,000.

“It is detestable that the life of a person or of a family­ killed by negligent drivers is priced like a latest gadget today. Penalties should not be oriented as a compensation for loss of life but should be a deterrent to teach a lesson to all people to protect lives of others,”­ paghahayag ni Bernos.

Ang hugot ng kongresista na rebisahin ang ‘road safety laws’ ay kakawing ng trahedya nitong araw ng Pasko kung saan umaabot sa 20 katao ang nasawi kabilang ang limang buwang gulang na sanggol at pagkasugat ng 15 iba pa sa aksidente sa Agoo, La Union.

“It is a shame that our laws have to adjust to the errant behavior of reckless dri­vers, when they know fully well how they should be doing their duties,” diin ni Bernos na vice chairperson ng House Committee on Public Order and Safety at miyembro ng House Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle.

Sa pagbabalik aniya ng sesyon ng Kongreso ay maghahain siya ng kaukulang aksyon patungkol sa insidente.