Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Multo ginawang alarm clock para manggising

0 205

Mga ka-#Misteryo hindi sa lahat ng oras ay kailangan matakot sa mga multo sa paligid. Tulad na lamang ng kuwentong karanasan ni Mark ng Batangas.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Marami na ring beses na napagalitan si Mark sa kanyang trabaho dahil lagi siyang late pagpasok lalu na at wala pang public transport ngayon dahil sa covid pandemic.

Minabuti ni Mark na bumili ng bisikleta para makapasok lamang sa trabaho kaso kailangan niya pumadyak ng 10 kilometer para makapasok sa Pasay.

At dahil problema niya na lagi pa ring ma-late may naisip siyang solusyon. Gamitin ang kanyang galing sa paranormal. Kausapin ang kaibigang multo sa kanilang bahay.

Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Mark.

Misteryo: “Paano mo nakakausap ang multo? Babae ba o lalaki? Sigurado ka bang mabait naman yang multong yan hindi ka ba natatakot na saktan?”

Mark: “Ha ha ha sanay na ako sa kanya matagal ko na siyang kaibigan house ghost siya Ayaw na umalis ng bahay namin pero ako lang nakakausap niya.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Ok Ano yung sinasabi mo na kinausap mo siya para hindi ka na-late sa work mo?”

Mark: “Yes kinausap ko siya. Kailangan gisingin niya ako ng 3-4 AM para hindi ako ma-late sa trabaho ko sa Pasay.”

Misteryo: “Aba maganda yan nakatulong pa siya sayo. Ginigising ka ba naman on time? O pumapalya ba siya?”

Mark: “Sakto ginigising niya ako ng 3AM kasi kailangan ko magluto at kumain bago pumasok kasi nagba-bike nga ako mga 10 kilometro pa ang kailangan kong padyakin.”

Misteryo: “Teka Paano ka naman niya ginigising? Anong paraan?”

Mark: “Iba’t ibang style pero normal niya ako kinakalabit habang tulog ako o kaya pinipitik ang hinlalaki ko sa paa, o kaya naman ilong ko ang pinipitik at kapag hirap niya ako gisingin sinisigawan ako sa tenga ko.”

Misteryo: “Nakakatawa pero maganda yan nakatulong pa siya sayo.”

Mark: “Oo nga Tama kesa naman katakutan gawin na Lang kaibigan ay makatulong pa sa buhay di ba?”

Kakaiba pero pwede di ba? Kayo gusto niyo ba gayahin si Mark pero mag-ingat lang. Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.