Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Multo Huli sa Aktong Nagko-computer

0 79

Mga ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng multong nag ko-computer? Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Randy ng Kalookan ay inaabot ng madaling araw sa gaming kaya’t asahan na maingay ang room niya kahit dis oras na ng gabi.

Misteryo: “Talagang panatiko ka sa gaming brod, wag kang mag-alala relate ako dyan. May time inaabot din ako ng madaling araw lalu na pag may event.”

Randy: “Naku sinabi mo pa. Heto na lang talaga libangan ko pero lagi ako pinagsasabihan ng nanay ko.”

Misteryo: “Paano mo nga pala nakita yung sinasabi mong multo?”

Randy: “Ganito kailangan ko dyuminggel ng gabing yun dahil mahabang oras din akong nababad sa Call Of Duty. Pagbalik ko sa gaming room ko. Gulat at takot naramdaman ko. May nakita akong multo ng matabang lalaki”

Misteryo: “Nakilala mo ba yung multo? Kaibigan mo ba yun?”

Randy: “Hindi eh hindi ko siya kilala. Nagtaka ako kung ano ang ginagawa niya. Maniwala ka bang tumitipa siya sa keyboard ng computer.”

Misteryo: “Wow! Ghost coder o programmer ata ang nakita mo. Talagang tumitipa ha?”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Randy: “Yes! Nakikita ko yung galaw ng mga kamay niya though transparent ang hitsura niya.”

Misteryo: “Normal na yun sa mga multo na parang transparent ang katawan kasi nga non-physical spirits na sila. Ano hitsura ng multo? Babae ba o lalaki? Matanda? Bata?”

Randy: “I think nasa 40s siya pero hindi ko maaninag ang mukha niya base lang description ko sa kanya sa katawan niya.”

Misteryo: “Nasabi mo nakita mo siyang nasa harap ng computer. May nakita ka bang nabubuo naman ang tinitipa niyang words? Naintindihan mo ba?”

Randy: “Hindi ko maintindihan kasi medyo malayo ako sa keyboard at computer kaya pinanood ko na lang siya.”

Misteryo: “Gaano katagal mo siyang nakita? Nasa 30 minutes ba o less then 15 minutes lang.”

Randy: “Hindi ko iniisip kung gaano katagal pero ng makita ko siya saglit lang. Wala pa atang 15 seconds. Pagkatapos nun nawala na siya.”

Sa mga panahon na ito ng gadgets ay sumasabay din ang mga multo at maligno. Baka may karanasan din kayo. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.