Abante Tonite Interactive

Multo sa dormitoryo ng sports arena nananaghoy

533

Hindi maitatago ang ilang kababalaghan sa kilalang-kilalang lugar na ito na naging parte ng ilang pinakamasaklap na sakuna o aksidente sa bansa.

Halos ilang taon na rin mula nang iulat ang pangyayari na ilang empleyado ng nasabing pasilidad ang sinapian ng mga kaluluwa na naglalagalag sa malawak na mga espasyo at naglalakihang lugar na mga bakante sa umaga at gabi.

Naganap din sa lugar na ito ang isa sa pinakamasaklap na insidente kung saan naitala ang may pinakamaraming nasawing bilang habang naghihintay sa gaganaping aktibidad sa pasilidad.

Hindi maitago ng mga nagbabantay sa pasilidad na patuloy pa rin nilang naririnig ang mga panaghoy at paghingi ng tulong ng mga taong hindi inaasahan ang kanilang biglaang pagkamatay.

Saksi rin ang ilang manggagawa na nakahukay mismo ng isang naaagnas na bangkay sa ilalim mismo ng tambayan at upuan ng mga taong nagnanais na makapanood ng isinasagawang aktibidad.