Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Multong Nakabarong sa Elevator

0 172

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, ano ang gagawin mo kung makakita ka ng lalaking nakabarong na akala mo tao yun pala ay multo?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Francis ng Manila ay ugali nang magtapon ng basura pasado alas-dos ng madaling araw sa tinitirhan niyang condo. Dahil ayaw niyang maipon ang basura sa kanilang condo unit.

Misteryo: “Paano mo natiyempuhan ang lalaking nakabarong na ito?”

Francis: “Magtatapon na ako ng basura sa upper ground ng condo siyempre kailangan mag-elevator kaya nang pagbukas ay nakita ko yung lalaking nakabarong. Akala ko may lakad kasi pababa din siya. Hindi ko na siya pinansin nung nasa loob ako ng elevator.”

Misteryo: “I see so paano mo nasabi na multo yun? Kasi pareho naman kayo pababa. I’m sure mauuna kang lumabas kasi upper ground yung tatapunan mo ng basura. Di ba?”

Francis: “Yes kaya nga ng bumaba ako sa upper ground wala naman ako ibang naisip. Pero nung paakyat na ako he he he dun na ako natakot bakit kamo?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Bakit? Ano nangyari? Don’t tell me andun pa din siya?”

Francis: “Alright teka Ganito kasi yun wala naman talaga laman yung the same elevator na sinakyan ko pero nang bumukas sa tapat ko. I thought nag-iisa lang ako sa loob. Pero siguro seconds lang bigla ko napansin na parang may katabi ako kaya nilingon ko ang kaliwa ko. May nakatayo ngang lalaki na nakabarong the same na nakita ko pababa.”

Misteryo: “Nakupo so nakita mo pala siya. Grabe ba naramdaman mong takot? Well the good news is certified clairvoyant ka kasi nakakita ka ng multo.”

Francis: “Oo nanlamig buong katawan ko kasi wala naman ako magawa kailangan ko maghintay na makarating na ako sa floor ng unit ko. Pero alam mo yun parang tumagal pa yung paakyat, parang bumagal.”

Misteryo: “Anong sumunod na nangyari brod? Wala ba siyang sinabi sayo…yung multo?”

Francis: “Wala andun lang nakatayo. Alam mo ba yung parang robot lang na hindi kumikilos. Kaya nang pagbukas ng pintuan ng elevator, ang bilis ko lumabas sabay takbo papunta sa unit ko.”

Hirap paniwalaan di ba pero karaniwan na ang ganitong karanasan ngayon lalu na ngayong pandemic dami talaga gumagalang kaluluwa. Kaya ready lang kayo pag may ganitong close encounter, we can offer prayers.

Para sa inyong kuwentong karanasan, mag-email sa Misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.