Abante Tonite Interactive

Multong nambulabog sa natutulog, pinagmumura

0 385

Mga ka-Misteryo, hindi lahat ng binubulabog ng multo ay takot dahil meron ding nagagalit sa kanila at ang matindi pa nito, may isang lalaki na pinagmumura ang multo ng Chinese na lumitaw sa tabi ng kanyang higaan.

‘Yan ang ating paksa ngayon: ‘Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!’
Nakatulog na nang gabing ‘yun si Oscar ng Marikina dahil sa sob­rang pagod sa construction ng isang gusali nang may maramdaman si­yang kakaiba sa loob ng silid nilang mag-asawa.

Hindi muna pinansin ni Oscar ang kakaibang naramdaman dahil sanay na siya bilang clairvoyant na biglang may nagpapa­ramdam na mga gumagalang kaluluwa.

Pero sadyang makulit ang multo at ayaw siyang patulugin lalo na at kinakatok ng multo ang pintuan ng kanilang si­lid maging ang binta­nang salamin para hindi siya patulugin.

Pinagana ni Oscar ang kanyang abilidad at nakita niya ang multo na isang Chinese kaya hindi niya maintindihan ang gustong sabihin.

Nang kausapin ng #TeamMisteryo si Oscar, sinabi niyang sinikap pa niyang intindihin ang gustong sabihin ng kaluluwa pero nainis na siya sa pambubulabog sa kanya.

Team Misteryo: “Anong ginawa mo sa multo ng Chinese?”

Oscar: “Nagalit na ako gusto ko kasi matulog pagod ako kaya pinagmumura ko siya, pinaaalis ko siya. Ayaw pa nga niya umalis kaya ginamitan ko na ng abilidad para umalis siya.”

Team Misteryo: “Anong abilidad ang ginamit mo?”

Oscar: “Defense light attack ang ginawa ko kaya tumalsik ang multo palabas ng bahay namin buti na lang hindi nagi­sing si misis.”

Team Misteryo: “Nang tumalsik sa labas hindi na ba bumalik?”

Oscar: “Hindi na pero humingi rin ako ng tulong sa taas na padalhan ng anghel para matulu­ngan siyang makaakyat sa langit.”

Ang karanasan ni Oscar ay karaniwang nangyayari sa ibang psychic kaya depende na sa kanila kung paano ito haharapin. Gayunman, karaniwang tinutulungan ang mga gumagalang kaluluwa.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsiba­yan.com at abante.com.ph