Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Multong Sutil sa Opisina

0 330

Mga ka-#Misteryo nakaranas na ba kayo ng nagugulo ang mga gamit niyo sa bahay kahit na alam mong wala ka namang kasama? Paano kung ganyan din ang sitwasyon sa opisina?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Habang umiiral ang community quarantine ay iilan lang talaga ang pwede pa ring makapasok sa trabaho o opisina kaya’t pagsapit ng gabi ay halos wala kang makausap na katrabaho lalu na pag nag-overtime ka pa.

Sa kuwentong karanasan ni Gabby ng Mandaluyong, mag-isa siyang naiwan sa kanilang opisina dahil kailangan niyang tapusin ang kanyang nabinbin na trabaho.

Dahil lahat ngayon ay computer na ang ginagamit, may pagkakataon na pumapalya ang makina, ngunit nagtataka si Gabby bakit tila may sira ang kanyang computer eh bagung-bago pa ito.

Nagulat na lang siya nang pagbalik niya sa upuan mula sa CR ay may babaeng nakaputi na nakaupo sa kanyang puwesto. Yan ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Gabby.

Misteryo: “Baka naman yung nakita mo, may katrabaho ka na biglang dumating na hindi mo namalayan?”

Gabby: “Malabo yan kasi ako ang unang dapat makakaalam kung may biglang papasok sa opisina, protocol namin yun para mamonitor ang pagpasok paglabas ng tao sa office.”

SM food to go Banner Ad

Misteryo: “Eh sino yung nakita mong babae?”

Gabby: “Hindi ko siya kilala at nang makita ko siya parang hangin siya hindi solid at mind you nagtitipa siya sa keyboard na parang siya ang may puwesto sa table ko.”

Misteryo: “Bago mo nakita yan may kakaiba ka bang experience sa work mo?”

Gabby: “Oo problemado ako nagugulo file ko sa computer may time lahat nasa recycle bin yun pala nabura sa main directory o file.”

Misteryo: “So hinala mo itong white lady na ito ang may kagagawan sa problema? Nilapitan mo ba at kinausap ng nakita mo?”

Gabby: “Hindi ko nilapitan kasi kinabahan ako baka sugurin ako kaya nag-pray na Lang ako. Aba tila naramdaman niya lumingon siya sa akin sabay naglaho parang bula.”

Pinayuhan ng Misteryo si Gabby na pwede naman kausapin mga ligaw na kaluluwa tulad ng kanyang nakita pero mag-ingat lang mainam na humingi lagi ng proteksyon sa mga anghel o sa mga banal na nilalang. Kung wala naman kailangang tulong Basta na lamang maglalaho ito.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.