Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mundo ni Melissa pinasok ni Rocco

0 109

Pasukin mo ang mundo ko.

Ibinida ni Premier Volleyball League (PVL) Melissa Gohing sa publiko na pinasok na rin maging ng kanyang nobyo ang buhay volleyball.

Ito ay nang maka-bonding at magsilbi pang pang coach ng 28-anyos dalaga ang celebrity boyfriend na si Rocco Nacino.

Sa Instagram story ni Gohing nitong Lunes, ibinahagi niya ang video habang nagba-volleyball sila sa kalsada ni Rocco.

“Thank you coach @nacinorocco,” caption ng Motolite Power Builders player.

Pumasok man si Rocco sa mundo ni Melissa’y suportado rin ng dalaga ang acting career ng bf kung saan number 1 fan siya ng Kapuso actor. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.