Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Municipal councilor sa drug watchlist nabitag

0 435

Isang konsehal ng bayan ang naaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Bicol kung saan aabot sa mahigit P100,000 halaga ng shabu ang nasamsam dito.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, alas-5:45 ng madaling araw nitong Martes nang madakip ng Caramoran Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Catanduanes si Zaldy Idanan, 57, konsehal ng nasabing bayan at nasa listahan ng pulisya bilang isa sa mga high value target (HVT) sa kanilang watchlist.

Sa bisa ng search warrant ay pinasok ng pulisya ang bahay ni Idanan sa Barangay Supang at nakuhanan ito ng nasa 15 gramo ng shabu na may street value na mahigit sa P100,000. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.