Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Muntik ma-Rape sa Panaginip

0 154

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo naranasan niyo na bang dalawin ng rapist sa panaginip? Yan ang karanasan ni Rowena ng Pasig.

Iyan ang paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Pagod sa trabaho bilang frontliner ngayong pandemya kaya madaling nakatulog si Rowena pagdating sa bahay.

Mabuti na lang at nakapaghapunan siya sa trabaho bago umuwi. Hindi nagtagal nahimbing na siya sa pagkakatulog hanggang sa managinip na siya. Akala niya ay totoong nangyari nang biglang makita niya ang sarili sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya.

Nang biglang may lalaking lumapit sa kanya at matalim ang tingin sa kanya. Kinabahan si Rowena nang akmang kukubabawan siya. Ito ang inusisa ng #Misteryo kay

Rowena.

Misteryo: “Bago ba nangyari yun, meron ka na bang ganitong karanasan noon? O ito ang first time mo sa dream mo?”

Related Posts

Rowena: “Palagi akong nananaginip ng ganito na akmang rereypin ako pero mabuti na lang hindi natutuloy kasi bigla akong nagigising.”

Misteryo: “Bago ba nangyari itong huli ay may panaginip ka bang lalaki na nanliligaw sayo? O kaya lalaking nang-aakit sayo?”

Rowena: “Lagi akong nakakapanaginip ng may nanliligaw sa akin tapos parang wala akong lakas na pumalag sa gusto niya.”

Misteryo: “Ano hitsura? Guwapo ba? Ano ang sinasabi niya sayo?”

Rowena: “Naalala ko sinabi ng lalaki na mas masaya daw doon at wala silang problema. Gusto daw niya ako maging asawa. Guwapo siya matangkad at macho. Tapos bigla niya ako hahawakan sa kamay hanggang yayakapin niya ako. Nararamdaman ko may pagnanasa siya sa akin kaya bigla ako nagigising.”

Misteryo: “Mabuti naman hindi pala nangyayari yung ma-rape ka kasi may paniniwalang kapag nagpasiping ka ay baka hindi ka na makabalik o magising sa pisikal.”

Rowena: “Hindi ko naman alam yun pero natatakot pagkagising ko nitong huli kasi talagang hinubaran niya ako at parang wala akong lakas na umayaw . Buti na lang bigla ko narinig ang pusa ko na parang ginigising ako kaya bigla ako nagising.”

Ang karanasan ni Rowena ay maaaring mangyari din sa iba kaya mag-ingat lang lalu na sa mga lapitin ng mga engkanto. Ang karaniwang nanggagahasa sa panaginip ay mga engkanto. Magpapalita sila ng maganda silang nilalang pero may maitim na balak – bihagin ka sa kanilang kaharian.

Para sa mga kuwentong karanasan ng kababalaghan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.