Abante Tonite Interactive

Muntik mamundok si Kara David

587

Aminado ang multi-awarded journalist at Kapuso documentarist na si Kara David na dumating siya sa puntong muntik nang mag-quit sa kanyang trabaho at mamundok.

“Namatay kasi iyong case studies ko noon sa malnutrition. Nanalo kami ng awards, seve-ral sa ibang bansa tapos everytime I receive an award,pag-uwi ko nababalitaan ko namatay na iyong case study ko.I just felt really, really guilty na parang hindi ko sila natulungan. So sabi ko, magnu-nutritionist na lang ako,” bungad niya.

Sey pa niya, napagdesisyunan na rin daw niya noon na maglingkod sa mga katutubong Mangyan.

“Kinausap ko na ang broker ko na ibenta ang bahay ko, kinausap ko na ang nanay ko,nag-apply na ako sa UP, mag-aaral ako ng nutrisyon, nagpaalam na ako sa boss ko na magqui-quit ng trabaho,”aniya.

“Kasi feeling ko,hindi nagwo-work iyong job ko bilang journalist,na wala akong natutulungan, hanggang sa na-realize ko na hindi, pwede ko palang gamitin ang journalism to help other people. Hindi ko kailangang mag-quit ng career ko o mag-nutrition kasi sabi noong mga Mangyan na nakasama ko,may magdo-donate pa po ba sa inyo kung maging nutritionist na kayo?,” dugtong niya.

Doon daw niya, napagtanto na puwede pala siyang maging tulay ng pagbabago sa mga nangangailangan at gustong tumulong.

Hirit pa ni Kara, masaya siya dahil nagiging ins-trumento ang kanyang programang I-Witness at ang mga dokumentaryong ginagawa niya para pukawin ang sambayanan sa mga isyung pang­lipu­nan at makapag­hatid ng tulong sa mga kapuspalad nating mamamayan.

Kabalikat ang Ayala Foundation sa pamumuno ng pangu­lo nitong si Ruel T. Maranan, nakipag-alyansa si Kara sa pamamagitan ng kanyang Project Malasakit.

Nagbibigay sila ng tulong (pagkain at inu-ming tubig) sa mga katutubo ng Planas sa Porac, Pampanga kama­kailan. (Archie Liao)