Abante Tonite Interactive

Munting nilalang naispatan

508

MISTERYO
REY T. SIBAYAN

Mga ka-Misteryo nakatiyempo na ba kayong makakita ng munting nila­lang sa inyong bahay? Karaniwan silang mailap sa tao, mapagbiro, nagtatago ng gamit at malikot.

‘Yan ang ating paksa: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Dumulog sa #TeamMisteryo si Ronnie ng Makati nang isang gabi ay makita niya ang isang maliit na nilalang na tumalilis sa kusina ng kanilang condo unit.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo kung paano niya nakita ang duwende:
Ronnie: “Nanonood ako ng TV ng hatinggabi nang sa gilid ng mata ko sa kaliwa ay kitang-kita ko ang duwende na sob­rang bilis tumakbo sa ilalim ng mesa sa gawing kusina namin.”

Team Misteryo: “First time mo ba makakita ng duwende?”

Ronnie: “Opo first time po. Noon ay mga kuwento lang ang naririnig ko at tinatawa­nan ko lang kasi ayaw ko maniwala pero ngayon grabe ako na mismo ang nakakita.”

Team Misteryo: “Ano hitsura ng nakita mong duwende?”

Related Posts

Ronnie: “Mga isang dangkal lang ang taas niya, kulay maroon ang damit at kulay abo ang pantalon, may maputing balbas at itim na boots. Napansin ko may dala-dala siyang kulay pulang knapsack bag. Para siyang maliit na Santa Claus na may red hat pa.”

Team Misteryo: “Natakot ka ba nu’ng makita mo? Ano reaksyon mo?”

Ronnie: “Nabigla…medyo kinabahan pero hindi naman takot. Hindi naman siya hostile. Mukhang siya pa nga ang takot baka mapansin ko siya, then ‘yun nga nakita ko siya, buking siya.”

Nasagot din ang katanu­ngan niya noon sa biglang pagkawala ng maliliit na gamit sa kanilang bahay pero lumilipad din pagkalipas ng ilang araw.

Swak ang description ni Ronnie sa hitsura ng duwende dahil halos ganito rin ang hitsura ng munting nilalang na nakita ng aking panganay habang inaapoy siya ng lagnat noong 9 years old pa siya.

Ito ay patunay na totoo ang dimensiyon ng mga munting nilalang o duwende bagaman may babala ang mga eksperto sa paranormal na mag-ingat sa mga itim na duwende dahil sila raw ang matapang, nananakit at malas sa pamumuhay o sa inyong bahay.

May mga pamamaraan na maaaring gawin para mapalayas ang mga itim na duwende sa inyong bahay depende sa rekomendasyon ng mga eksperto sa ganitong larangan.

Para sa inyong mga kuwentong nakakatakot at kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang websites: www.reytsibayan.com at www.abante.com.ph.