Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Munzon kinarga Zamboanga

0 89

Iniskor ni Joshua Munzon ang apat sa 7-0 run ng Zamboanga City Family’s Brand Sardines upang kalusin ang Butuan-Uling Roasters, 21-17, at makopo ang kampeonato Leg 1 2020 Chooks-To-Go President’s Cup 3×3 men’s basketball tournament Miyerkoles ng gabi sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba.

Lubog ng tatlong puntos, 14-17, sinandalan ng Zamboanga City si Munzon para sa come-from-behind win at ibulsa ng koponan ang P100,000 cash prize.

Pisiklan ang naging labanan kaya napalaban sina Munzon at mga kakamping sina team captain Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.