Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Munzon, Laput kikinisin sa Dyip

0 213

Plano ng PBA na umpisahan ang Season 46 sa June 25, Ynares Center sa Antipolo ang posibleng gamiting venue ng Philippine Cup games.

May tatlong linggo pa ang Terrafirma para hasain ang new additions ng team, pukpukin para bumalik sa game-shape at makuha ang tamang chemistry.

Una rito si Joshua Munzon, top selection noong March. Deadlast sa huling edisyon ng all-Pinoy sa Clark bubble, nagpalakas din sa frontcourt ang Dyip nang hatakin si center James Laput.

SM food to go Banner Ad

Best prospect si 3×3 specialist Munzon, nakalistang 6-foot-10 si Laput – pinakamataas sa 86 draft applicants.

Ayon kay coach Johnedel Cardel, kinulang sila sa preparasyon noong isang taon.

“We’ve learned our lesson from that experience kaya nga we’re focused on conditioning and, in the next few days, mental toughness,” aniya Linggo. “Sabi ko nga sa players, ‘Ayaw ko nang natatalo tayo ng two, three points. Gusto ko tayo naman nananalo ng two, three points.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.