Abante Tonite Interactive

Munzon, Statham dribol sa Chooks

356

Muling magku-krus ng landas ang Filipino ball club at ang Serbian powerhouse sa magaganap na level-nine FIBA 3X3 tourney sa Huaqiao Internatio­nal Kunshan Challenger sa China ngayon at bukas.

Nasa Pool A ang Pasig Chooks kasama ang Liman ng Serbia at Russian team Sosnovy BorCopRosatom.

Kinalos ng Pasig Chooks ang Liman 19-16 nang magharap sa FIBA 3X3 World Tour Doha Masters sa nakalipas na buwan sa Qatar.

Pero inaasahang mas mapapalaban nang todo ang Pasig Chooks sa pag-ulit ng panalo sa Liman dahil wala ang kanilang imports na sina Angelo Tsagarakis at Nikola Pavlovic na may mga injury. (Elech Dawa)