Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapalit ni Perez: Munzon ihaharurot Dyip

0 296

Terrafirma ang unang pipili sa 86 na nasa final list sa PBA Season 46 virtual Draft sa March 14.

Matunog ang pangalan ni Joshua Munzon na kakalawitin ng Dyip.

Naghahanap ang team ni coach Johnedel Cardel ng aako sa puwestong iniwan ni CJ Perez na nai-trade na sa San Miguel Beer.

Sa dalawang seasons sa Dyip matapos tapiking top pick din noong 2018, back-to-back scoring champion si Perez. Nag-average ang dating NCAA MVP mula Lyceum ng 24 points sa Philippine Cup bubble sa Clark noong nakaraang taon.

Sunod sa No. 2 pick ang NorthPort, inaasahang kukunin si Jamie Malonzo na De La Salle alum din tulad ni Batang Pier owner Mikee Romero.

NLEX ang No. 3, ang dati nilang No. 4 pick ay napunta na sa TNT via Blackwater sa deal na inaprubahan ng PBA trade committee Huwebes.

Si Malonzo talaga tinitignan namin,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes.

Susunod sa No. 5 ang Rain or Shine, bago ang Alaska, Phoenix, Dyip, Meralco, Magnolia, Batang Pier at Ginebra.

Uumpisahan ng NorthPort ang second round, susundan ng dalawang picks ng Bossing.

Nakatakdang mag-open ang 2021 Philippine Cup sa April 11. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.