Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murang baboy, manok hinahanap kay Dar

0 266

Binatikos ng isang grupo ang tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar dahil sa price freeze sa baboy at manok at ang isinulong na pagpapababa ng taripa sa mga inaangkat na agricultural product pati na bigas na lalong magpapahirap umano sa mga lokal na produkto.

PANOORIN: Presentasyon ni DA Sec. Dar sa Senado ‘sablay’

“Only in this country that a national government agency is calling for a price freeze to burden local producers; then is pushing to lower tariff for profit increase of importers,” sabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chair Rosendo So.

Dagdag pa nito, isang malaking trahedya na ang DA pa sa lahat ng ahensya ng gobyerno ang pumapatay umano sa local agri industry.

PANOORIN: DA Sec. William Dar GINISA ng mga senador

SM food to go Banner Ad

Sa kuwenta ng grupo, P117.87 kada kilo lamang ang landed cost ng imported baboy at aabot lamang ito sa P152.87 kada kilo kung isasama ang cold storage at delivery sa retail outlets.

Ngayong walang alagang baboy ang karamihan sa Luzon kung saan ang bentahan ng liempo ay nasa P350 hanggang P400 kada kilo na, nasa P197 hanggang P247 na ang tubo ng mga importer sa bawat kilo.

Ayon sa SINAG, sa laki ng tubo ng mga importer, may gana pa ang mga itong magpababa ng taripa na sinusuportahan naman ng DA.

“Sagutin muna ng DA kung nasaan ang imported pork retail price, imported rice retail price, or imported chicken retail price,” ayon pa kay So.

Aniya, sabihin na rin ng DA kung saang retail outlet makakakita ng P150 kada kilo ng imported liempo. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.