Abante Tonite Interactive

Murang gamot sa diabetes, high blood hiniling ni Sen. Go

691

Habang pinag-uusapan pa sa Senado na palawigin ang Cheaper Medicine Act of 2002 ay hiniling na muna ni Sen. Bong Go sa Pa­ngulo na pababain ang pres­yo ng gamot sa sakit na diabetes at high blood.

Ayon kay Sen. Go, karamihan sa mga Pinoy ay may sakit na diabetes at high blood kaya hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng executive order na nag-aatas na mapababa ang pres­yo ng mga gamot sa nasabing karamdaman.

“Wala pong pinipili ang mga sakit na ito. Ang masaklap lang, ang mahihirap ay can not afford po ng mga gamot para dito,” anang Senador.

Sa ngayon aniya ay may kamahalan ang presyo ng gamot na bahagi ng maintenance medicine ng mga senior citizen na may mataas na sugar level, diabetes at sakit sa baga.