Abante Tonite Interactive

Murang Kuryente Act, pirmado na

332

Inaasahang mababawasan na ang pasanin ng mga power consu­mer sa kanilang mataas na bayarin sa kuryente matapos lagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Republic Act 11371 o ang Murang Kuryente Act.

Layunin ng bagong batas na mabawasan ang halaga ng binabayarang kuryente ng mga power consumer sa buong bansa.

Sa ilalim ng Murang Kuryente Act, gagamitin ang bahagi ng Malampaya fund para bayaran ang pagkakautang ng National Power Corporation (Napocor) na binabalikat ng mga consumer bilang ‘universal charge.

Tinatay ang aabot sa halos dalawang daang piso ang mababawas sa buwanang bill ng mga consumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour, at pakikinabangan ito ng halos 16 na mil­yong household sa bansa. (Aileen Taliping)