Abante Tonite Interactive

Murang school supply sa DTI Diskwento Caravan

279

Hinimok kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko lalo na ang mga magulang na bumili ng mga school supply sa Diskwento Caravan ng kagawaran.

Kaugnay na rin ito ng nalalapit na pasukan sa Hunyo 3 batay sa School Calendar 2019-2020 na inisyu ng Department of Education.

Ayon sa DTI, sa kanilang Diskwento Caravan, makakabili ng mga murang gamit na pang-eskwela katulad ng mga bag, notebook, lapis, ballpen, pad paper at iba pa.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ng DTI sa Metro Manila, ang mga Diskwento Caravan na maaaring dayuhin ay sa mga lugar ng Pasay City Hall na nag-umpisa na kahapon, Mayo 15, hanggang ngayong araw, Mayo 16.

Habang sa Paraña­que­ City Hall, mula kahapon din hanggang sa Mayo 17.
Sa Navotas City Hall naman ay sa darating na Mayo 29 at sa Tagui­g City Hall, mula Mayo 30 at 31. (Armida Rico)