Abante Tonite Interactive

Murder sa mga suspek sa Bote case

420

By Jojo De Guzman

Pagkaraan ng mahigit 10-buwang preliminary investigation ay sinampahan na ng kasong murder ang mga sangkot sa pagpaslang kay General Tiñio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Padolina Bote.

Sa 10-pahinang resolusyong pinagtibay para sa Office of the City Prosecutor/Nueva Ecija Prosecutor ng National Prosecution Service ay kasong murder ang ipinataw kina Christian Manlutac Saquilabon; Florencio Ramos Suarez, Robertlyn Devera Gumatay, Arnold Caseria Gamboa, Junjun Fajardo at tatlong John at Jane Does.

Abante Hiring – IT dep

Matatandaang sakay si Mayor Bote ng kanyang SUV na minamaneho ni Jenepher Manabat Salvador noong Hulyo 3, 2018 at papalabas ng NIA-UPRIIS compound sa Cabanatuan City nang pagbabarilin at napatay.

Ayon sa mga saksi at kuha ng mga CCTV footage ay nabisto ang sinakyan at dinaanan ng mga salarin.

Hanggang maaresto sina Suarez at Gumatay sa checkpoint sa Naga City at sa sinumpaang extra judicial confession noong Hulyo 14, 2018 ay itinuro si Saquilabon na utak sa krimen.

Labis ang kasiyahan ng biyudang si Mayvelyn Bote sa naturang reso­lusyon.