Abante Tonite Interactive

Murder sa suspek ni Fr. Nilo

By
217

Kaukulang kaso pa ng murder ang inihain kontra sa self-confessed suspect na bumaril kay Fr. Richmond Nilo noong Hun­yo 10, 2018 sa Brgy. Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija, dahil sa pamamaslang sa driver at konduktor ng RJ Bus sa loob ng terminal nito sa Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija noong Mayo 17, 2018.

Ito ang nabatid ng TONITE kay P/Sr. Inspector Steve dela Cruz makaraang ilabas noong Agosto 1 ang Firearms Identification Report No. FAIS-174-2018 ng Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory Office (NEPCLO).

Iisang klase ang baril na ginamit ni Omar Lumbang Mallari, 25-anyos, residente ng Purok 6, Brgy. Lacquios, Arayat, Pampanga sa pagpatay kay Fr. Nilo at kina Jaime Varrera Amurao at ­Alvin Tungol Samson.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Dela Cruz, noong Hunyo 19, 2018 ay hiniling niyang magsagawa ng cross-matching examination sa mga narekober na mga basyo ng bala sa naganap na pamamaril sa San Isidro at Zaragoza.

Makaraang magpositibo ay isinampa noong Lunes ang double murder case kontra kay Mallari at isang John Doe sa Office of the Provincial Prose­cutor sa Cabanatuan City na may docket No. III-09-INV-18H-01015.