Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murder suspect tinakasan AFP, PNP

0 87

Nagawang makatakas ng isang suspek na tinutugis ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Lt. Col. Rimrad Feraer, Commanding Officer ng 80IB, nitong Miyerkoles ay sinamahan nila ang pulisya at mga lokal na opisyal para ihain ang warrant of arrest na nilabas ng korte laban sa suspek na si Juan Raga, alyas ‘June’ na may kasong pagpatay at pagkakaroon ng mga iligal na armas.

Gayunman, nagawang makatakas ng suspek sa kamay ng mga operatiba. Pero nakuha ng mga awtoridad ang tatlong mataas na kalibre ng baril tulad ng isang M4 carbine, isang M1 .22 Cal, at cal.45 pistol, at iba’t ibang uri ng magazine na iniwan ni Raga, sa safe house nito sa Phase 1, Villa San Isidro, Brgy San Isidro.

Siniguro naman ng PNP na patuloy ang gagawin nitong aksyon upang mahuli si Raga at mga kasabwat nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.