Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murder vs 7 suspek sa ex-Jolo police chief

0 254

Kinasuhan na ng ‘murder’ ang pitong suspek na sinasabing sangkot sa pagpatay sa dating Jolo, Sulu police chief, Lt. Col. Walter Annayo noong November 2020.

Sa inilabas na pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Debold Sinas, ang mga kinasuhan ay sina Rasul Nahang Radja aka Rasul Asula; Nara Kagatan Asula; at limang John Does sa Maguindanao Provincial Prosecutors’ Office.

“This is a major breakthrough and turning point in the investigation of the murder case of PLTC Annayo. In the meantime, we will mobilize tracker teams to monitor the respondents before we can launch manhunt operations when warrants of arrest are issued by the court,” ayon kay Sinas.

Magugunitang pinagbabaril hanggang sa mapatay si Annayo ng mga suspek na sakay ng sports utility vehicle matapos iparada ng biktima ang kanyang sasakyan sa Narciso Ramos Highway sa Sultan Mastura, Maguindanao upang bumili lamang ng sabaw ng buko. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.