Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murder vs 9 pulis-Jolo arangkada na

0 71

Sasampahan na ng kasong murder ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang siyam na miyembro ng Jolo Police Station matapos may makitang probable cause sa naganap na pamamaslang sa apat na sundalo noong Hunyo 2020.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento kabilang sa mga pulis na kakasuhan ng 4 counts of murder sina PSMS Abdelzhimar Padjiri, PMSg Hanie Baddiri, PSSg Iskandar Susulan, PSSg Ernisar Sappal, PCpl Sulki Andaki, Pat Moh Nur Pasani, PSSg Admudzrin Hadjaruddin, Pat Alkajal Mandangan, at Pat Rajiv Putalan.

Nasawi sa naturang insidente sina Army Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula nang pagbabarilin sila ng siyam na mga pulis.

Nabatid na may sinusundan umano ang grupo ng sundalo na mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang sila ay tambangan.

Depensa ng Philippine National Police (PNP) na ‘misencounter’ ang nangyari pero iginiit ng pamunuan ng Philippine Army na ito ay murder.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang prosecutor na agad na kumuha ng warrant of arrest para. hindi na magkaroon ng pagkakataon na makatakas ang mga pulis. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.