Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Muros-Posadas may Valentine webinar

0 54

Inilaan ang Philippine Sports Commission (PSC) Rise Up, Shape Up Valentine episode sa palakasan, mabuting relasyon at kwento ng buhay na may pag-ibig sa alamat ng track and field para Elma Muros-Posadas at asawang athletics coach na si George Noel ‘Jojo’ Posadas.

Ibabahagi ng mag-asawa ang mga tip nila para panatilihing malusog ang relasyon, makabuluhang koneksyon at buklod ang pamilya.

Toka naman sa segment ng Women On Wellness si registered psychologist at DLSU Faculty member Nenuca Fe Canlas ang mabisang komunikasyon na makakatulong sa mga mag-asawa na maunawaan ang bawat isa.

Ang Women in Sports Commissioner na si Fatima Celia Kiram ang ang bahala regular segment na K-Isport: Kwentong Isport. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.