Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Muros-Posadas modelo sa palakasan, pamilya

0 58

Itinampok ng Philippine Sports Commission’s (PSC) Rise Up! Shape Up! sina long lump legend Elma Muros-Posadas at mister, former national athletics team coach George Noel ‘Jojo’ Posadas bilang power duo sa pagpapanatili ng malusog at makabuluhang koneksyon sa pamilya sa pamamagitan ng palakasan nitong Sabado.

Ilan ang dating national athlete at esposong premyadong coach sa mga mag-asawa na ibinabahagi ang kanilang gawain sa pagsasanay sa kabataan sa sports at inspirasyon sa kanila na maghabol sa kahusayan ng atleta.

“Ang palakasan ay nagbubuo ng mga katangiang interpersonal na humuhubog sa malulusog na ugnayan tulad ng pangako, pagtitiwala, at paggalang sa sarili at sa iba. Isinasama nina Elma at Jojo ang mga ito na itinuro ng palakasan sa kanilang mga player, “sabi ni PSC Commisisoner Celia Kiram.

Dala ang mensahe na natututo nang labis ang mga atleta tungkol sa kanilang sarili sa pamamagitan ng palakasan, at kahit na nalaman na hawakan ang mga relasyon sa ibang mga tao, inaasahan ng yugto na itatampok na ang mga palakasan ay nag-aambag sa pagbuo ng pagkatao at nakakaimpluwensya sa ugnayan ng bawat isa. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.