Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murray, Jokic muling bibira

0 67

Na-bully sa unang dalawang laro ng NBA West finals, rumesbak si Nikola Jokic sa Game 3 nang pangunahan ang Denver sa 114-106 win para ibaba ang series lead ng Los Angeles sa 2-1.

Araw ng Joker, inari naman niya ang counterpart sa Lakers na si Anthony Davis.

Binulldozer ni Jokic si Davis sa paint para magsalansan ng 22 points, 10 rebounds at five assists.

Naka-27 points si Davis, pero hindi naulit ang game-winning 3 niya noong Game 2.

Nag-deliver ang tandem ni Jokic na si Jamal Murray ng 28 points, 8 rebounds at 12 assists. Kumana pa ng career playoff-high 26 points si Jerami Grant.

Umaasa ang Nuggets na ganito rin ka-epektibo ang star duo para maibuhol ang series sa Game 4 ngayon.

Tina-trash talk ni Dwight Howard si Jokic, pero hindi nagpaepekto ang Serbian big man. Dinaan niya sa laro ang ganti.

Dumistansiya ang Nuggets 93-75 papasok ng final stanza bago sinalag ang matinding fightback ng Lakers.

Dumikit ang LA 101-98 kulang 4 minutes pa pero bumawi ang Denver para kontrolin ang final minutes.

Dalawang tres ang pinakawalan ni Murray huli sa 53-second mark para apulain ang rally. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.