Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murray muling aasa sa ‘agimat’

0 70

Inspirado si Jamal Murray nang mag-deliver ng dambuhalang 50 points para ihatid ang Denver sa 119-107 panalo kontra Utah sa Game 6 at puwersahin ang winner-take-all ngayong araw.

Ang pinaghugutan ni Murray noong Linggo: ang mga imahe sa kanyang sapatos.

Napatitig si Murray sa kanyang adidas nang tanungin pagkatapos ng laro. Suot ng 23-year-old ang puting custom pair na may mukha nina Breonna Taylor at George Floyd.

Parehong napatay ng pulisya sina Taylor at Floyd sa magkahiwalay na insidente ngayong taon na nagsindi sa mga kaliwa’t kanang protesta. Ang dalawa rin ang sentro ng Black Lives Matter movement ng NBA sa bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.