Abante Tonite Interactive

Murray nagpasaya ng mga kabataan

0 310

Habang wala pang laro sa 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20, binuhos muna ni San Antonio Spurs player Dejounte Dashaun Murray ang kanyang basketball skills para sa mga bata.

Sa online video, kitang bilib at mangha ang mga paslit matapos ang posterized dunk ng 23-anyos, tubong Seattle, Washington, at may taas na 6-5 point guard.

Pero kahit talunan ang mga bagets, bakas sa mukha ng mga bata ang labis na tuwa dahil nakalaro nila ang kanilang isa sa mga lodi.

Bago nagkasubukan, matagal nang asam ng mga paslit na makalaban si Murray, na pinagbigyan naman ng NBA cager.

“I guess for the past 2 months these kids been scared to come to my door to ask me to play with them and today they finally wasn’t scared to ask and we got to play and become friends,” anang dribbler.

Happy rin si Murray sa kanyang propesyon dahil nagkakoneksyon siya sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo.

“I swear this what makes my job the best because I get to connect with people all around the world.” Wakas na wika ng basketbolista. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad