Abante Tonite Interactive

Murray usad sa gitna ng ingay

By
9

NEW YORK — Nang nirapido ng ulan ang saradong bubungan ng Arthur Ashe Stadium, nawala na rin sa pandinig ni Andy Murray ang karaniwang ingay sa isang tennis match.

Lalo na ang tunog ng bola kapag tumalbog mula sa hambalos ng raketa ng kalaban. Kahit sarili niyang palo, hindi marinig ni Murray nang talunin si Marcel Granollers 6-4, 6-1, 6-4 sa se­cond round ng US Open nitong Huwebes.

‘Di hamak na mas maingay sa loob ng main stadium dahil sa estilo ng pagkakagawa ng bagong $150 million retractable cover. Kahit bukas ang bubong, nata-trap pati kuwentuhan ng spectators sa stands.

Kapag nakasara kung umuulan tulad noong Miyerkules nang ma-delay ang play sa ibang courts, lalo nang maingay.

Apektado ang laro.

“We use our ears when we play. It’s not just the eyes. (The sound) helps us pick up the speed of the ball, the spin that’s on the ball, how hard something hitting it. If we played with our ears covered or with headphones on, it would be a big advantage if your opponent wasn’t wearing them,” paliwanag ni Murray, sunod na haharapin si 40th-ranked Paolo Lorenzi.