Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Murrell ‘nakaw’ sa Draft ni Guiao

0 643

Kilala si Yeng Guiao sa matalas na pang-amoy ng raw talent na puwede niyang hulmahin para maging kapaki-pakinabang.

May nakita na naman siya kay David Michael ‘Dave’ Murrell, ang 24-year-old, 6-foot-4 product ng UP Diliman at tubong Los Angeles, California.

Nang malibre pa sa 20th pick ang Fil-Am, hindi nagdalawang-isip ang NLEX coach na kunin ang wingman.

“We were pleasantly surprised that he was still available,” ani Guiao Lunes sa video ng Road Warriors.

Pati si Murrell, nagulat din dahil hindi pa aniya siya nakakapag-workout sa nasabing PBA team.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I wasn’t able to workout with NLEX, but it worked out because my house is near NLEX’s facility,” aniya.

Sa Fighting Maroons pa lang, nakita na ni Guiao ang potensiyal ng basketbolista.

“I know he was athletic and a stopper in UP, but when you see him in practice, we saw a big upside in his game,” paliwanag ng coach.

Nakatsamba aniya ang Road Warriors kay Murrell.

“We believe that he can be the steal in the draft,” panapos na giit ni Guiao. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.