Abante Tonite Interactive

Musa, Orendain nagsanib-puwersa

0 89

Bumangon ang PSL Shine mula sa two sets down matapos magsanib puwersa sina Ranya Musa at Patty Orendain para ilista ang 15-25, 18-25, 25-20, 25-22, 17-15 panalo laban sa PSL Sparkle sa Philippine Superliga Super Cup kagabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi nasira ang loob ng PSL Shine, matapos nilang isagad sa fifth set ang laban ay naghabol din sila ng tatlong puntos, 11-14 sa endgame.
Humataw ng tatlong sunod na puntos ang PSL Shine para itabla ang iskor sa 14-all.

Muling nagtabla sa 15 bago tinapos ng PSL Shine ang laro.

Nilista ni Musa ang 18 attacks at apat na blocks habang 11 points mula sa walong kills at tatlong blocks ang inambag ni Orendain.

“Sabi ni coach umabot na kami ng fifth set sa­yang naman kung hindi namin makuha,” hayag ni Orendain.

Nirehistro ng PSL Shine ang unang panalo sa tatlong laro, yumuko sila sa Nat’l women’s team sa unang laban bago nadapa sa University of Tsukuba noong Huwebes.

Masaya naman si PSL Shine head coach Ray Karl Dimaculangan sa ipinakitang laro ng kanyang mga bataan.

“Our pride is at stake,” ani Dimaculangan. “Although this is only a pocket tournament but we want to finish strong.” (Elech Dawa)